Monday, March 05, 2012
Worry no more...
*Note: This is my first Tagalog entry. Sorry to the other readers from other countries. I'll do my best to translate it. Thank you and God bless you!
Minsan tinatanong ko si Daddy God, “May mali ba sa akin? Nagmamadali ba ako na dumating na yung tamang lalake para sa akin? Naligaw ba siya? Naubusan ba ng gas ang sasakyan niya? Bakit ang tagal niya? Madali lang naman akong mahanap. Nagtatrabaho ako sa government agency. Madaling hanapin yun. Kung sa church namin siya, lagi naman ako doon! From Tuesday hanggang Sunday nasa church ako, bakit hindi niya ako makita? Bulag ba siya? Dad, buksan mo mga mata niya para makita niya ako! Alam mo namang hindi na ako bumabata. 8 months from now, I’ll be turning 28. Sabi mo sa akin nung 26 ako, “26 ka pa lang!” Now, I’m 27 na… anong nangyayari, Dad?” Yan ang madalas na mga tanong ko sa kanya.
Minsan talagang dumadating ang lahat sa ganyang stage yung nadedepress tayo ng wala sa oras at lugar. Minsan iniisip natin kung meron bang kulang at mali sa atin. Sa totoo lang, walang mali at kulang sa atin. Iniisip lang natin mga yan at sa tuwing naiisip natin yan, nagtetake advantage si satan sa atin. Kung anu-ano na ang ipi-feed nya sa mga utak natin hangga’t sa tuluyan tayong ma-depress.
Minsan kung anu-ano na nagagawa natin dahil sa depression na yan eh. Sa aminin natin at sa hindi, mayroon tayong nagagawang hindi maganda sa sarili natin at sa paligid natin. Ako, aminado ako dun. Inabuso ko sarili ko sa alcohol at sinusugatan ko sarili ko para maramdaman ko yung physical pain dahil nasasaktan ako emotional. Pero mali. Sobrang mali! Grabii! Dahil ang mga katawan natin ay hindi yan sa atin, “Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; 20 you were bought at a price. Therefore honor God with your bodies.” (1 Corinthians 6:19-20, NIV). Awts! Ang mga katawang ito ay binili ni Jesus para sa atin. Binili niya ang mga ito sa pamamagitan ng pag-alay ng kanyang buhay tapos kung anu-ano lang ang ginagawa natin.
Nang makawala or na-deliver ako sa bondage na un, nag-repent ako kay God. Dahil alam ko na siya lang ang makakatulong sa akin. Wala ng iba. Sabi sa salita Niya, “If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.” (1 John 1:9, NIV) O dba?! Napaka-gracious niya. Hindi natin deserve ang mga binibigay niya sa atin pero binibigay pa rin niya. Bakit? Kasi mahal na mahal niya tayo. Binigay niya nga ang nag-iisang anak niya para sa atin.
Ngayon, kung tinatanong niyo kung minsan nagi-guilty pa rin kayo sa mga nagawa niyong mga kasalanan at kinukwestyon nyo pa rin ang inyong salvation. Ang sagot diyan, wala kayong dapat ika-guilty. Dahil sabi rin niya, “I will never again remember their sins and lawless deeds." (Hebrews 10:17, NLT) at “If you confess with your mouth that Jesus is Lord and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.” (Romans 10:19, NLT). Hayan ah, maliwanag na sinabi diyan na maliligtas tayo kung maniniwala tayo at tinanggap natin si Jesus bilang ating personal God and Saviour.
Balikan natin mga tanong ko sa taas, alam ko kung bakit nadedelay ang pagdating ni BPIL. God is only preparing him and me for each other. Lalo na sa attitude or character naming dalawa. Kasi sabi niya sa akin, “It is not good for the man to be alone. I will make a helper who is just right for him.” (Genesis 2:18, NLT). Ibig sabihin tamang-tama kami para sa isa’t isa at magtutulungan sa aming mga gawain (ministries). Sa totoo lang, marami pang dinideal si Lord sa attitude ko gaya ng pagiging selosa. Sabi nga ng isa kong kaibigan, “What if Pastor/Minister ang ibibigay sayo ni Lord. Syempre maraming kausap na tao yan. Hindi lang sa hinahawakan niyang Church pati din iba. Baka may makita ka lang na may kausap siya, mag-selos ka na agad.” “Kaya sinusubukan kong hindi magselos. Sa totoo lang, pati din sa mga kaibigan ko nagseselos ako. Ayaw ko talaga ang ugaling ito. Kaya gusto ko na siyang maalis kasi it’s not helping me to grow. You know. Hahaha!” sagot ko sa kanya. “Kaya hindi ka pa niya nahahanap kasi dinideal ka pa ni Lord at siya din.” Actually, hindi lang sa attitude or character kung bakit na-dedelay ang mga hinihingi natin sa kanya. Pati din ang ating mga motibo. Minsan kasi, hindi tama ang mga puso at motibo natin sa paghingi natin ng mga bagay at tao na darating sa buhay natin.
Basta lagi niyong tandaan na walang bagay na ipagdadamot sa atin si Daddy God. Matuto lang tayong humingi, maghintay at higit sa lahat maniwala sa kanya.
Tayo’y Manalangin.
O Diyos na aming Ama, maraming maraming salamat po sa mga pangako niyo sa amin. Maraming salamat po sa pagpapatawad po ninyo sa aming mga kasalanan at pagkukulang sa inyo. Tinatanggap at hinahayag po namin na si Jesus ang aming personal na Panginoon at Tagapagligtas. Linisin niyo po kami sa inyong banal na dugo. Sa pangalan ni Hesus. Amen!
Labels:
Tagalog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
For God’s gifts and his call are irrevocable. – Romans 11:29, NIV
About Me
- Glaiza Samson-Siron
- A seeker and lover of our Lord Jesus Christ. A favored princess who is patiently waiting for our King’s promises comes to pass. A child of the Most High God who is hungry and thirsty to our Abba Father’s words. A person who wants to be the person God wants her to be.
My Co-Heirs...
- Ambassador of anything WORTH IT
- Christians' Digest
- Explore God's Great!
- Extreme Positivity
- I Heart Myself -- The Journey
- Identified Prince
- Identified Prince 2
- Intoxicated
- Jesus, How Deeply I Need You
- Joyful Princess
- Ladies-In-Training
- Neophyte Traveler 2
- Real Rica
- Sette, The Appointed Writer
- Sette, The Appointed Writer
- The Lifestyle Checker
- The Lifestyle Checker
- The Neophyte Traveler
- Three Things
Food For The Soul
- Abiding Prayer
- Becoming Me. Living a Life of Surrender
- Beliefnet
- Bethel Church
- Bethel Gospel Tabernacle
- Chicken Soup for the Soul
- Discipleship Tools
- Emotional Purity
- Father's Love Letter
- Harold and Darlene Sala Ministry
- In God's Hands
- Joel Osteen Ministry
- Joseph Prince Ministry
- Journey of Recovery
- Joyce Meyer Ministry
- Letting God
- People of Faith
- Redemptive Glory
- Reggie Byrum Ministries
- Seek God Ministries
- Sharon Jaynes Ministry
- The Latter Days Misnitry
- The Wood Family
- TNT Classroom
- Turn Back to God
- Ur Ministry
Followers
Travel Blogs
Let's talk...
Popular Posts
-
Our Human Resource Management Officer asks me to retake the exam I’ve answered more than 2 years ago. Honestly, I’m confused about it. I ask...
-
We know that grafting or graft is a common term in planting. Grafting is a horticultural technique whereby tissues from one pla...
-
I am planning to change my background photo in my facebook account since last week. I asked my friend for a favor to make one for me. I told...
-
We just had our 3 day Encounter God Retreat last October 27, 28 & 29 at Mount Peniel, Capas, Tarlac. The name was derived from the passa...
-
Title: Appreciating Your Afflictions By: Pastor William B. Galang Matthew 7:24-27, NLT, “ Anyone who listens to my teaching and follo...
-
Title: Pray Philippines Pastor Anthony D. Martinez 2 Chronicles 7:14-16, NLT, “I f my people, who are called by my name, will humb...
-
It's my third time to exhort for a Love Offering during a Sunday Celebration. Before the celebration, I kept praying to our Heavenly Fat...
-
My heart is heavy and palpitating while I’m writing this post. I can still remember on what happened to my niece this morning. She was hit ...
-
We’re in the 2 nd half of this year but I believe God is not done yet. Whatever God did in the 1 st half, He can do it again and even grea...
-
Title: intimacy By: Pastor Angelico Sangalang 1 John 15:21, NLT, “Dear children, keep away from anything that might take God’s place...
Traffic Feed
Powered by Blogger.
Labels
- Afflictions (1)
- Appreciate (1)
- Bible (1)
- Bible Marathon (1)
- Brave Faith (1)
- Citipointe Live (1)
- Concentrate (1)
- Confess (1)
- Consecrate (1)
- Days Are Evil (1)
- Devotion (12)
- Dream Revelation and Interpretation (3)
- Dreams (3)
- Election 2016 (1)
- Faith (5)
- Faith Series (2)
- Fearless (1)
- God's Timing (1)
- Grace (1)
- Hillsongs (1)
- His Life City Church (18)
- HisLife (20)
- Humility (1)
- Identity In Christ (6)
- Intimacy (2)
- Jesus (8)
- John Waller (2)
- Joshua 1:8 (1)
- Keys To Open Doors (2)
- Live Lightly (1)
- Lyrics (17)
- New Year (1)
- Open Doors (3)
- Open Doors 2016 (3)
- Pastor Anthony Martinez (15)
- Pastor Gelo Sangalang (1)
- Pastor Venus Armas (1)
- Pastor William Galang (3)
- Persistence (1)
- Philippines Election 2016 (1)
- Pray Philippines (1)
- Pray The Word (1)
- Prayer (3)
- Priority (1)
- Redeeming The Time (1)
- Solid Faith (1)
- Sunday Celebration (12)
- Surrender (2)
- Tagalog (1)
- Time (1)
- Touch The Sky (1)
- Victorious Faith (1)
- Vision Day (1)
- Vision Day 2016 (1)
0 comments:
Post a Comment